Mikee Morada aminado sa pagkakamali ni Alex: "Nagkamali talaga siya!’

 

Binasag narin sa wakas ni Mikee Morada ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu ng kanyang asawang si Alex Gonzaga.

Ang nasabing isyu ay tungkol sa pagpahid ni Alex ng icing sa noo ng isang waiter sa kanyang 35th birthday.

Humingi na ng tawad si Alex sa naturang waiter at sinabi rin ng waiter na okay na sila.

Sa isang posy ay inamin ni Mikee na nagkamali ang kanyang asawa.

"Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa,” saad ni Mikee sa kanyang post

“Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan" dagdag pa niya 

Aminado rin si Mikee na nasasaktan siya sa mga pambabatikos na natanggap ng kanyang asawa dahil sa insidente.

“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito.”

“Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.”

“Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.”

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.”

“I love you!,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form