Michelle Madrigal matapang na inaming nang-cheat bilang ganti sa kanyang ex-boyfriend

 

Matapang na inamin ng actress na si Michelle Mandrigal na nang-cheat umano siya noon bilang ganti sa kanyang ex-boyfriend na isang cheater.

Ito ang isa sa mga topic ni Michelle sa kanyang latest vlog sa youtube.

Kwento ni Michelle, hindi lang isa kundi maraming beses siyang niloko ng kanyang ex-boyfriend na hindi na niya pinangalanan.

"Wag nang pangalanan, pero yes. More than once. Ang tawag sa atin nun, shunga. Kasi same partner,” kwento ni Michelle

Dahil sa nangyari ay naghiganti rin umano si Michelle sa pamamagitan rin ng pag-cheat sa kanyang dating jowa.

Ngunit sa bandang huli ay narealized din umano niya na wala itong magandang maidudulot ang paghihigante.

“I have been unfaithful. Gumanti lang din ako. Sinaktan nila ako. Sabi ko, ‘A, kung kaya mo, kaya ko rin.’ Pero nung bata pa ako nun… But it doesn’t really help. Walang magagawa kung gaganti ka. Maggagantihan kayo. Walang outcome na mangyayari na maganda,” sabi ni Michelle 

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement