Mccoy De Leon may madamdaming mensahe sa kanyang anak sa gitna ng tsismis na umanoy hiwalay na sila ni Elisse

Nagbigay ng madamdaming mensahe ang actor na si Mccoy De Leon para sa kanyang anak na si Felize sa gitna ng tsismis na umanoy hiwalay na sila ng kanyang partner na si Elisse Joson.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Mccoy ang larawan nila ng kanyang anak kaakibat nito ang mensahe niya sa kanyang anak.

“Lagi mong tatandaan a mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam

IKAW lang ang makakaintindi sa akin

IKAW lang ang maasahan ko

IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay

IKAW lang ang lahat lahat ko

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don't worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” sabi ni Mccoy

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit*,” dagdag pa niya

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement