Ilang netizens kinabahan sa biglaang pagtrending ni Kris Aquino sa twitter; bakit nga ba?

 

Maraming netizens ang kinabahan dahil sa biglaang pag-trending ni Kris Aquino ngayong araw Jan 23 sa twitter.

Si Kris Aquino na may tunay na pangalan na Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay isang television host, actress, producer, socialite at businesswoman. Kilala rin si Kris sa tawag na Queen of All Media.  

Si Kris ay naging in-active sa showbiz ilang taon na ang nakalipas dahil sa kanyang autoimmune illnesses. Siya ay nadiagnose ng apat na autoimmune conditions at kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa ibang bansa.

Sa aming nakaraang article, ay maraming netizens ang natuwa matapos ibinahagi ni Vice Governor Mark Leviste ang ilang larawan ni Kris sa pagbisita niya nito kay Kris sa US. Makikita kasi sa larawan na medyo okay na ang kalagayan ngayon ni Kris.

Ngunit sa twitter, ay maraming ang kinabahan sa biglaang pagtrending ni Kris.

Larawan mula sa twitter via Balita

Ilang netizens ang napa-check kung bakit ito nangyari. Yun pala ay binalikan ng ilang netizens ang ilang video clips ni Kris, dahil napag-uusapan kung sino-sino sa showbiz ang “mababait” at masayang katrabaho, at sino-sino naman ang may attitude. 

Kaya ayon sa ilang netizens sa twitter:

"Kris Aquino is trending today and I don’t know why. Akala ko… ‘yun na. But thankfully hindi. Nagshare-ran lang pala sila ng mga clips at convos with Kris. Weird lang doon sa written convos, I read them with Kris’ voice and tone in my head.”

“Kris Aquino the only maldita and conyo I will tolerate ‘til forever she has the rights! She has to be well and come back already.”

"Literal na kinabahan sa pag-trending ni Kris Aquino.”

“Nakakamiss ang Kris TV era ni Kris Aquino. The morning time slot is really just for her. Walang makakapantay.” 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form