Fumiya may prangkang sagot sa mga kumukwestyon sa kanyang gender dahil sa video niya kasama ang isang guy

 

Prangkang sinagot ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya Sankai ang mga kumukwestyon sa kanyang tunay na kasarian.

Kamakailan lang kasi ay nagviral ang video ni Fumiya na kung saan kasama niya ang isang lalaki habang nagti-tiktok.

Sa panibagong video ni Fumiya sa TikTok ay binasag na niya ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu.

Aniya hindi siya bading at kaibigan raw niya ang kanyang kasama sa naturang video na si Kenjie.

“I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very straight. We are really straight," ayon sa Japanese online personality.

Laking gulat raw ni Fumiya dahil nagviral ang kanilang video na umanot pa sa 5 million views.

Akala raw niya noong una na nagviral ang kanilang video dahil magaling sila sumayaw peru iba pala ang dahilan sa pagviral ng video 

 “Akala ko my dance is very nice that’s why trending,” ani Fumiya.

@fumiyanotiktok Kumusta kayo? #fumiyalangsapatna #fumiya #japanese ♬ original sound - lucia &lt3

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement