Dawn Chang si Alex nga ba ang pinapatamaan?: "Uy, hindi ako namumunas ng icing"

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Dawn Chang tungkol sa pamumunas ng icing sa gitna ng isyung pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa noo ng waiter.

Ang naturang insidente ay nangyari sa 35th birthday ni Alex.

Naglabas naman ng public apology si Alex kay Allan ang waiter na pinahiran ng icing ni Alex.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. I am truly sorry, Kuya Allan.To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” sabi ni Alex sa kanyang public apology 

Samantala sinabi rin ni Allan sa isang letter na personal na nagsorry din si Alex sa kanya at okay na raw sila.

Samantala sa isang press conference ay nagbiro si Eric John Salut na huwag kamuhian ang karakter ni Dawn sa Darna, dahil hindi naman daw ito namamahid ng icing ng cake sa mukha ng iba.

“Uy, hindi ako namumunas ng icing. Hindi ako ganon. Gumagawa ako ng cake pero hindi ako namumunas ng icing sa mukha ng iba,” sabi ni Dawn 

Pinatutsadahan nga kaya ni Dawn si Alex? Anong masasabi mo dito.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form