Dani Barretto nagsalita na sa pag-upload niya ng controversial cake video ni Alex Gonzaga

 

Binasag narin sa wakas ni Dani Barretto ang kanyang katahimikan kaugnay sa pag-upload niya ng video na kung saan pinahiran ni Alex Gonzaga ng cake ang isang waiter.

Ang naturang video ay naganap sa 35th birthday ni Alex. Dahil sa naturang video ay inulan ng pambabatikos si actress.

Sa isang report ay ibinahagi ng naturang waiter na si Allan na humingi na ng tawad sa kanya si Alex at okay narin sila. Naglabas narin si Alex ng public apology kaugnay sa nasabing insidente.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. I am truly sorry, Kuya Allan.To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” sabi ni Alex sa kanyang public apology 

Sa isang interview, ay binasag na ni Dani ang kanyang katahimikan kaugnay sa pag-upload niya ng  nasabing video. Aminado siya na nagsisi siya sa kanyang ginawa.

"Regrets? Of course, of course, I do have regrets kasi nakasakit po ako ng tao. Siyempre, wala po sa intensyon kong makasakit, lalo na po on her birthday. Siguro yun yung pinakamabigat sa akin na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto" sabi ni Dani

"Kasi very important sa pamilya namin yung mga Gonzaga kasi, they're very loving to our family. Alex is a very good friend of my sister. So talagang mahal na mahal ng pamilya namin ang mga Gonzaga and vice versa. So masakit sa akin na nakasakit ako ng tao dun sa video na yun," dagdag pa niya 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form