Cristy Fermin nagreact sa pagkalink ni Carlo Aquino at Charlie Dizon

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang beteranang columnist na si Cristy Fermin sa pagkalink nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay nagviral ang mga larawan nina Charlie at Carlo na makikitang sweet ang dalawa sa isat-isa.

Kaya maraming netizens ang napatanong kung may namamagitan nga ba sa dalawa.

Sa online show ni Cristy, napag-usapan nila ang tungkol sa viral photos ng dalawa.

Ayon kay Fermin, binabash raw sina Carlo at Charlie dahil sa nasabing larawan.

"Bina-bash din si Carlo Aquino at saka si Charlie Dizon dahil sila na raw,”sabi ni Fermin 

 Oo, 'yung mga tagahanga ni Charlie Dizon, Nanay, parang ayaw nila si Carlo Aquino kasi parang red flag daw itong si Carlo Aquino," sambat naman ng kasama ni Fermin na si Romel

“At kahit daw (fans ni) Carlo Aquino naman ayaw din kay Charlie Dizon. Siyempre kanya-kanyang manukin 'yan.” sabi naman ni Fermin 

Samantala naniniwala naman sina Fermin at Romel na walang masama kung may namamagitan kina Charlie at Carlo.

"E kung sila naman talaga edi bakit naman hindi?” sabi ni Fermin

"Oo, libre naman ang isa't isa. Kaya lang nga, baka naman ma-fake news na naman tayo kasi may pelikula lang sila," sambat naman ni Rommel 

"Baka nga. Alam mo, ganyan naman talaga e diba? Ganyan naman talaga ang mga anech, kailangan gumawa ng ingay," dagdag pa ni Fermin 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form