Alora Sasam may mainit na resbak sa nagsasabing flop ang mga teleserye ni Kathryn Bernardo

 

Larawan mula sa instagram: alorskieee 

May mainit na reskbak si Alora Sasam sa nagsasabing flop raw ang mga teleserye ni Kathryn Bernardo.

$ads={1}

Matatandaan na kamakailan lang ay mainit na pinag-uusapan ang pangalan ni Kathryn Bernardo matapos ang naging pahayag ni Paolo Contis.

Sinabi kasi ni Paolo na taga-GMA raw ang artista nung nag-number one ang movie ng star cinema na walang iba kundi ang "Hello Love Goodbye" na kung saan kasama ni Kathryn si Alden Richards. 

$ads={2}

Inulan ng pambabatikos si Paolo dahil sa kanyang sinabi at sinagot ito ng actor na sana raw ay panoorin muna nila ang buong interview.

Read Here: Paolo Contis nagsalita matapos inulan ng batikos dahil sa clip ng sinabi niya tungkol Alden-Kathryn Movie 

Sa isang tweet, ay may isang page na nambatikos kay Kathryn. Sabi ng naturang page: “HLG was the highest grossing Filipino film of all time because GMA 7 helped with the promotion. Both Alden and Kathryn carried this film. Kung walang Alden, walang almost 1B na kita. Aminin man natin o hindi, malaki tulong na nagawa ng GMA,”  


“FYI, Kathryn may have box office films under her belt pero nag rate ba ang mga TV shows siya? Name me one.”sabi pa nito sa hiwalay na tweet 

Nang makita ito ni Alora ay agad niya itong niresbakan. Sabi niya: “Isa lang po talaga hinihingi niyo po? [face with hand over mouth emoji] Marami mami. Kahit cameo niya sa Endless Love ng GMA nagrate kaya di na xa pinakawalan ng ABS. FYI.” 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook ns KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form