Xander Ford isa na ngayong ganap na ama

 


Proud na ibinandera sa publiko ng social media personality na si Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford ang kanyang bagong silang na anak.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Xander ang larawan ng kanyang bagong silang na sanggol kasama ang kanyang partner.

Hindi pa muna ipinakita ni Xander sa publiko ang mukha ng kanyang baby ngunit soon ay ipapalilala niya raw ito.

"Ready na akong ipakilala ka sa lahat anak ko."sabi ni Xander 

Samantala sinagot rin ni Xander ang isang netizen na nagkomento na wag ipakita sa publiko ang kanyang anak.

"Nasa tao na yan kung paano nila kami rerespuituhin pero Buong tapang ko ipapakilala sa buong mundo ang Anak ko at Asawa ko."sabi ni Xander

"Di ako mag Fefeeling Single Dahil masaya ako sa dumating sa akin na Biyaya galing sa Dyos. yun na po salamat."dagdag pa niya 






Si Marlou Salcedo Arizala ay ipinanganak noong  May 11, 1998. Siya ay kilala rin sa publiko bilang Xander Ford.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form