Ogie Diaz ibinahagi ang reaksyon ng mga anak ni Vhong ng makauwi ang actor

 

Isa sa mga topic sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro sa kulungan matapos itong magpiyansa ng isang milyon.

Naka-uwi na kasi kahapon si Vhong sa kanilang tahanan at nakapiling na nito ang kanyang pamilya.

Sa vlog ni Ogie, ay ibinahagi niya ang umanoy naging reaksyon ng mga anak ni Its Showtime host nang makauwi na ang kanilang ama.

Matatandaan na sa isang interview, ibinahagi ng asawa ni Vhong na si Tanya na sobrang malungkot ang mga anak ni ng actor sa nangyari.

"Pagdating ni Vhong kahapon sa kanilang bahay ay nagtatalon ang mga bata sa tuwa. Napakahigpit na yakap na halos ayaw ng pakawalan si Vhong ng kanyang mga anak,”sabi ni Ogie 

Panoorin dito ang kabuuang pagtalakay ni Ogie kay Vhong:

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys. 

Si Vhong ay isa sa mga original host ng Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form