Matet naglabas ng saloobin sa inang si Nora Aunor matapos kumpetisyahan ang kanyang negosyo: "Ampon pala ako"

 

Naglabas ng kanyang hinaing ang actress na si Matet de Leon matapos kumpetisyahan ng kanyang inang si Nora Aunor ang kanyang negosyo.

Ang negosyo kasi ni Matet ay nagbebenta ng bagnet bagoong, sisig bagoong, gourmet tinapa, at gourmet tuyo. 

Ngunit base sa post ni Matet sa kanyang instagram, ay tila nadisyama siya sa kanyang kinalakihang inang si Nora Aunor na kinompitesyahan ang kanyang negosyo.

Inungkat pa mismo ni Matet na umanoy siya ay ampon.

“Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO,” saad ni Matet. 

Hinaing pa ni Matet nang pagsabihan umano siyang magresell nalang.

“Noong isang gabi, sinabihan ako na na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghihirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko.”sabi ni Matet 

“Alam niyang may produkto akong ganyan… marami naman daw akong taping. Ano sa tngin n’yo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN N’YO BA SA MGA ANAK NIYO TO?” dagdag pa niya 

Narito ang kanyang post:


Si Matet de Leon-Estrada ay isang Filipina actress na nagsimula sa kanyang carrer bilang child star. Siya ay ampon nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Matet s palengke nga tabi tabi ang mga nagtitinda, ganon din s mga mall! Improve your product n lang! Kahit ano p ang gawin mo ang utang na loob di nababayaran! Di ka magiging Matet kung di dahil kay Nora Aunor! Just be humble na lang mas pagpapalain ka! Just saying😊

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form