Ipapa-tulfo? Ina ni Sarah Geronimo inereklamo umano ng empleyado dahil sa umanoy hindi magandang pagtrato

 

Usap-usapan ngayon ang latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz na kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa ina ni Sarah Geronimo.

Sa nasabing vlog, ibinahagi ni Ogie ang convo nila ng umanoy nagpakilalang empleyado ni Mommy Devine na kung saan ineraklamo ito dahil sa hindi umano magandang pagtrato sa kanila.

Aniya, may ilang mga bagay na nalalabag na umano nito bilang kanilang employer.  

"Violations sa labor code, Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit na nagtrabaho ng araw na iyon. Walang overtime pay. Walang double pay. Delayed ang sahod, no restdays kahit na magpa-approve ka hindi niya papansinin. Hindi nagbabayad ng government mandated benefit. Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis, ayaw payagan agad. Ginigising ang tao kahit na oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya. Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok at paulit-ilit at ulo ng manok,hindi pagpansin kahit na may sakit ang tao. Kagaya nito, hindi na naman siya nagpasahod kahapon," ang sinasabing mga kamalian umano ni Mommy Divine na nai-text ng empleyado kay Mama Loi. 

"Meron pa silang screenshot para patunayan sa amin na talagang meron silang conversation yung nakikiusap na need niyang makipag-appointment bago makapasok at makuha ang mga gamit niya at isang regulasyon ng kompanya na bawal kunin ng ibang staff ang salary ng nagmamay-ari ng sahod," kwento naman ni Ogie Diaz 

Ani pa ni Ogie, hindi lang umano ito ang unang pagkakataon na nakarinig siya ng reklamo sa ina ni Sarah.

"Mas maganda, harapin ito ni Mommy Divine. Kasi siyempre mahirap na po ito lalo sa panahon ngayon. Mommy Divine Geronimo, baka ipa-Tulfo ho kayo ng inyong empleyado na nagrereklamo sa inyo."sabi ni Ogie kay Mommy Devine 

 "Mas maganda na ayusin na po natin ito, para naman sa ganon makapamuhay ang lahat ng maayo," payo niya kay Mommy Divine" dagdag pa niya 

Samantala, bukas naman ang show ni Ogie para sa panig ng kampo ni Mommy Devine.

Narito ang video:

Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay isang Filipino singer, performer at actress. Sumikat si Sarah matapos siyang manalo sa television singing contest na Star for a Night. Isa rin si Sarah sa mga Judge ng The Voice

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Cge ipa-tulfo nio na dami daming threat. Go na bat pinatatagal if nasa legal kau.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form