Gerald Anderson spotted na namigay ng maagang pamasko

 

Spotted ngayon ang actor na si Gerald Anderson na namigay ng maagang pamasko sa taga Zambales.

Kasama ng actor na namahagi ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard na namahagi ng maagang pamasko sa mga pamilyang Aeta sa Palauig, Zambales nitong Biyernes.

Ayon sa post ng Philippine Coast Guard,  umabot sa 450 pamilya ang nabigyan ng bigas, canned goods, at iba pang grocery items sa humanitarian mission ng Philippine Coast Guard.

Si Gerald ay isang auxiliary commander ng PCG.

Si Gerald Randolph Opsima Anderson Jr. ay isang kilalang actor dito sa Pilipinas. Siya ay kinilala sa industriya bilang action drama prince. Isa rin siya sa pinaka-bankable leading men sa kanyang henerasyon. Huling teleserye ni Gerald sa ABSCBN ngayong taon ay ang A Family Affair.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form