Direk Cathy Molina matapang na inaming hindi siya nagandahan kay Ivana Alawi

 

Matapang na inamin ng batikang direktor na si Direk Cathy Molina na hindi umano siya nagandahan kay Ivana Alawi.

Magkatrabaho si Ivana at Direk Cathy para sa upcoming movie nila na "Partners in Crime" na ipapalabas ngayong December 25. Isa itong entry para sa upcoming na Manila Film Festival.

Makakasama rin nila sa nasabing pelikula ang Its Showtime host at komedyanteng si Vice Ganda.

Sa isang panayam ay inamin, ni Direk Cathy na hindi raw siya nagandahan kay Ivana hanggang sa nagkaroon sila ng looktest at nasabi niyang ang ganda pala ng actress.

"Ang totoo, hindi ako nagagandahan kay Ivana — until nag-look test kami. Sabi ko, ‘Ang ganda naman palang bata nito.’ Mahal siya ng kamera. " sabi ng Direktor

Ibinahagi rin ng direktor ang kabaitan ni Ivana.

"Of course, siyempre, mabait. Hindi naman puwedeng hindi mabait sa akin, ‘di ba. Naggo-grow siya sa akin,” sabi ni Direk Cathy  

Samantala hinangaan din ng direktor ang galing ni Ivana sa naturang pelikula.

"Ivana, I think, portrayed this character well. In fairness, walang Ivana sa movie. And I hope you see that, too. When you watch this, you will not see Ivana. You will see Barbara Nicole Rose Albano,"sabi ni Direk Cathy 


Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isang Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair".

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. WOW! Meron na rin ako kamag anak si Ivana Alawi ka Marbella ko

    ReplyDelete
Post a Comment
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement