Cristy Fermin nagreact sa pagkikitang muli ni Vhong Navarro at nang Streetboys

 

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa pagkikitang muli ni Vhong Navarro at kagrupo niyang Streetboys.

Sa facebook post ng Streetboys, ay ibinahagi nito ang larawan ng merry reunion nila ni Vhong.

Samantala sa online show ni Cristy Fermin ay nagbigay siya ng kanyang reaksyon.

"Eto na, pinasyalan siya ng kanyang mga kaibigan. Nangunguna diyan si Jhong Hilario at mga kasamahan niya sa Streetboys," ani ni Romel na kasama ni Fermin sa kanyang online show

Matapos nito ay pinuri ni Fermin ang magandang relasyon ng mga kagrupo ni Vhong.

“'Yun 'yung mga kaibigan na ika nga ay kaibigan sa hirap at sa ginhawa, sa makapal at sa manipis, sa pagbagsak at pagbangon, sa meron o sa wala, sa kalungkutan at halakhakan, diba? Ito po 'yung mga tao na sa haba po ng panahon na kanilang pinagsaluhan, hindi sila naglilimutan talaga.”sabi ni Fermin

“Kung pupwede nga lang na at NBI at sa Taguig City Jail ay dalawin nila si Vhong Navarro, kaya lang pare-pareho din silang may mga trabaho,” dagdag ni Fermin 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement