Barbei Imperial binasag na ang katahimikan kaugnay pagsampa ng kaso ni Debbie Garcia laban sa kanya

 

Binasag narin sa wakas ni Barbie Imperial ang kanyang katahimikan matapos siyang sampahan ng kaso ng dati niyang kaibigan na si Debbie Garcia.

Matatandaan kasi na nagviral ang umanoy video nilang dalawa sa isang bar na umanoy nagkapisikalan.

Matapos ang insdente ay nagsampa ng reklamong slight physical injuries si Debbie laban sa actress.

Sa panayam ng Abante kay Barbie, ay inamin niyang nakamove-on na siya sa nangyari. Hindi raw siya nagsalita sa kasagsagan ng mainit na isyu dahil nasa korte na raw ang kaso.

Sa ngayon ay wala pa umano siyang update sa kasong isinampa ni Debbie laban sa kanya. Wala din umano siyang natanggap na subpoena.

Kung sakali raw na matutuloy ang kaso ay haharapin niya raw ito.

Itinanggi rin ni Barbie, na hindi lalaki ang naging dahilan sa kanilang away ni Debbie.

"Honestly for me kasi we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na ‘di ba?” pahayag ni Barbie.

“So, nandun po ako sa point na ayoko na, na mag-reconnect ever. Parang leave it that way, walang bastusan pero done… done,”dagdag pa niya 

Si Barbie Imperial ay isang kilalang Filipino actress at model na mula sa Daraga, Albay.Kilala siya sa kanyang lead role ng Araw Gabi.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form