Angel Locsin binasag narin sa wakas ang matagal na pananahimik sa social media

 

Binasag narin sa wakas ni Angel Locsin ang kanyang matagal na pananahimik sa social media.

Maalala na kamakailan lang ay naging usap-usapan sila ng kanyang asawang si Neil Arce matapos intrigahin na umanoy hiwalay na.

Hindi nagsalita noon si Angel sa nasabing isyu. Ang kanyang asawa lang ang nagsalita sa pamamagitan ng pagpadala ng mensahe sa vlog ni Ogie Diaz.

Sa nasabing vlog ay nilinaw ni Arce na walang katotohanan ang nasabing isyu. Aniya idodonate nalang daw nila sa mga nagpakalat ng fakenews ang mga kinita nito.

"Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan."sabi ni Neil 

Ilang beses ding itinanggi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na walang katotohanan ang isyung hiwalay na sina Neil at Angel.

Samantala sa latest update sa social media ni Angel, ay binasag na niya ang kanyang matagal na pananahimik sa social media.

Sa isang video post sa Facebook, ay nagpromote siya ng isang product at marami sa kanyang fans ang natuwa matapos masilayan nilang muli ang kanilang idolo.

Sa nasabing video ay nagbahagi ng greetings at mensahe ang actress sa mga tao. Ibinahagi niya kung ano ang kahalagahan ng pasko. Ito raw yung panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad at pagiging mabuti sa kapwa.

Pwede mong panoorin ang video dito: https://fb.watch/hFVYahykJT/ 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form