Andrew Schimmer pakakasalan na nga ba ang kanyang partner na nakaconfine sa ospital?

 

Magpapakasal na?

Ito ngayon ang tanong ng ilang netizens sa viral post ni Andrew Schimmer na ibinahagi niya sa kanyang facebook account.

Sa nasabing Facebook post, ibinahagi ng aktor ang larawan ng isang pares ng singsing ngayong araw ng Sabado.

Sabi niya sa kanyang caption: "We will not wait anymore for the right moment to come…by God’s grace it will happen very, very soon," 

Kaya naman maraming netizens ang naghinala na tila nagpahiwatig si Andrew na pakakasalan niya ang partner na si Jorhomy.

Si Jorhomy ay mahigit isang taon nang nasa ospital makaraang atakihin sa puso at nagkaroon ng hypoxemia bunsod ng severe asthma noong November 2021.

As of this writing, umabot na sa 21k reaksyon, 634 comments at 75 shares ang nasabing post ni Andrew.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form