Humihingi ngayon ng tulong si Xander Ford sa publiko matapos maaksidente ang kanyang biyenan.

Naaksidente raw sa motor ang kanyang biyenan at nasa kristikal ngayon ito na kondisyon.

Hindi raw sapat ang kanilang ipon para sa pampaopera kanyang mga magulang ayon sa partner ni Xander na si Gena Mago.

“Magandang Umaga po sa inyong lahat ako po si Gena Mago, kumakatok po ako sainyong mga puso, ako po sana ay manghihingi ng tulong pinansiyal sainyo para sa Mama at Papa ko na naaksidente sa motor nito lang October 30. 

“Dinala po silang dalawa sa Ospital ng Makati. Pareho po silang kritikal ang kalagayan ngayon, ang papa ko po ay may bale na limang buto sa ribs ayon sa CT Scan, hindi siya pwedeng kumain at uminom ng tubig hanggat hindi pa siya naooperahan dahil sobra niyang iniinda ang pananakit ng tiyan niya at ang mama ko naman po mayroong tama sa halos buong katawan niya at may bale din na buto sa balakang hanggang hita.

“Natahi na din yung mga sugat ni mama sa bandang kilay at hita. Parehas po nilang kailangan operahan dahil sa tindi po ng mga pinsala sa kanilang mga katawan. Si papa po ay sumailalim na sa operasyon sa kaniyang ribs kagabi October 31 habang si mama naman po ay inoobserbahan pa ang namumuong dugo sa utak at matindi pa yung pananakit ng kaniyang balakang kaya hindi pa siya pwede sumailalim sa operasyon.

"Hindi ko po alam kung magkano na lahat lahat ng bills namin sa loob ng ospital pero isa lang po ang tiyak na alam ko, hindi po talaga sasapat yung hawak naming pera kaya humihingi po ako sainyo ng tulong na kahit sa maliit na halaga lang ay napakalaking tulong na po para mabayaran namin lahat ng aabuting bills nila mama at papa lalo na ngayong mas tatagal silang naka admit mas palaki ng palaki po yung aabutin ng bills namin sa Ospital. 

“Hindi ko po alam saan kukuha ng ganung kalaking pera para pambayad sa operasyon nila at gamutan lalo na po maliliit pa ang mga kapatid ko at nag aaral pa po wala din po kaming trabaho si mama at papa lang po yung inaasahan namin sana tulungan niyo po kami. Hindi ko din po alam kanino ako lalapit kaya naisip ko nalang na humingi ng tulong sainyo. 

"Sobrang laking tulong po para sa pagpapagaling nila mama at papa ang maibibigay ninyong tulong pinansyal. Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko sana maintindihan niyo po ako. Sa mga taong malalapit sa akin sana ay matulungan niyo po ako. Ngayon lang po ako manghihingi ng tulong sainyo dahil buhay na po ng mga magulang ko ang nakasalalay dito. 

"Malaking tulong din po sa amin kung isasama niyo po si mama at si papa sainyong mga panalangin na sana ay mas mapabilis ang kanilang pagpapagaling. Sana po ay may mabubuting puso na tumulong sa amin. Sobra na po akong nagpapasalamat,” ani Gena sa Facebook post.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post