Sa isang episode ng show ni Cristy Fermin na "Showbiz Now Na" ay napag-usapan nila ulit ang actor na si Vhong Navarro.

Ayon kay Fermin, sayang raw ang pagkakataon na sanay makapagtrabaho siya at makasama ang kanyang pamilya ngunit hindi niya ito ngayon magawa dahil nasa loob siya ng piitian.

“Sayang 'yung pagkakataon na sana ay nakakapagtrabaho siya. Namumuhay siya nang parehas kasama ang kanyang asawa at mga anak, kasama ang kanyang pamilya.”sabi ni Fermin 

Wish din ni Fermin na sanay payagan na si Vhong ng korte na makapagpiyansa.

"Pero hindi pa rin natutupad dahil hindi pa rin po siya pinapayagan na makapag-post ng piyansa. At sana paglabas nitong episode na 'to, naaksyunan na,” sabi ni Fermin 

"At sana nakalabas na siya at lumaban siya sa labas ng selda, hindi sa loob," sambat naman ng kasama ni Fermin na si Morly

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post