Nagbigay ng payo ang komedyante at vlogger na si Ogie Diaz sa nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Devine.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagpublic apology si Sarah sa kanyang mga magulang.

"Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po."bahagi ng public apology ni Sarah 

Sa kanyang vlog ay nagbigay ng payo si Ogie kay Mommy Devine.

Sabi niya:"Siguro, ang maisu-suggest ko, para medyo kumalma, para maano yung damdamin ni Mommy Divine eh medyo lumambot. Eh Mommy Divine, bigyan mo ng chance si Matteo, mukha namang si Matteo eh wala naman kaming nababalitaan na nambababae si Matteo,"  

"Hindi naman pinapabayaan ni Matteo yung kanyang anak at higit sa lahat, hindi naman yan disi-sais anyos"dagdag pa niya 

Ayon pa Ogie hindi rin daw naging masamang anak si Sarah.

"Siguro naman hindi na naging masamang anak si Sarah kay Mommy Divine, diba naibigay naman ang lahat? Napag-aral pa yung mga kapatid diba?" sabi pa nito 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post