Spotted ngayon ang actor na si Zanjoe Marudo na masayang nakipag-bonding sa pamilya ni Ria Atayde.

Matatandaan na kamakailan lang ay binuking ni Sylvia Sanchez na nanliligaw umano si Zanjoe kay Ria.

Matatandaan din na spotted rin sina Zanjoe at Ria na magkasama sa Japan.

Samantala, sa Instagram post ni Sylvia ay ibinahagi nito ang masayang bonding nila  ng kanyang pamilya kasama si Zanjoe.

Pinasalamatan din ni Sylvia si Zanjoe sa kanyang time at umaasa siya na mas lalo pa niyang makilala ang actor.

"Thank u for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo I’m looking forward to know you more"sabi ni Sylvia 

Narito ang post ni Sylvia. I-swipe left para makita ang iba pa nilang larawan.

Si Zanjoe Marudo ay isang kilalang actor at model dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006. 

Matapos ang pagsali niya sa PBB ay bumida si Zanjoe sa ilang teleserye gaya na lamang nag Lovers in Paris (2009), Precious Hearts Romances Presents: Kristine (2010), Annaliza(2013), Dream Dad (2014), Tubig at Langis (2016) and My Dear Hear (2017).

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post