Sa latest episode ng online show ni Cristy Fermin ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagbura ni Sarah Geronimo sa madamdaming post niya tungkol sa kanyang mga magulang.

Maalala na sa nasabing post ay nag public apology siya sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Fermin, base na rin sa mga taong malalapit sa mag-asawa, si Matteo ang nagsabi 'di umano kay Sarah na burahin na lamang ito.

 "Ang balita ito naman ay kwento ng mga taong malalapit sa kanila, si Matteo raw ang nagsabing tanggalin," sabi ng beteranang columnist

"Siguro ang nasa isip ni Matteo, 'di ko eksaktong sasabihin na ito ang kanyang saloobin Siguro naisip ni Matteo kawawa naman si Sarah. Araw-araw nalang humihingi ng paumanhin sa kanyang magulang. Samantalang hindi naman krimen ang kanyang ginawa. Krimen ba ang magdesisyon na makapag-asawa? Krimen bang sumama sa kanyang boyfriend at magpakasal na? Siguro sabi ni Matteo, sobra-sobra na ito. Tama na ito." Dagdag pa niya 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post