Sa kanyang vlog na "Showbiz Now Na" ay napag-usapan Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Ayon kay Fermin, may natanggap umano siyang tawag mula sa Amerika na umanoy mahinang-mahina ngayon si Kris.

Kwento ni Fermin base raw sa tumatawag sa kanya ay hindi umano makapaglakad nang mag-isa si Kris at hindi makakain ng solid food.

“Ang kanyang kuwento, ‘paano makakauwi si Kris Aquino sa Enero, e, ni hindi nga siya makakakain pa ng solido,” sey ni Nay Cristy.

Hindi rin umano mapaglakad ng mag-isa si Kris 

 “Pangalawa, she can’t even move! She can’t even walk! Makalalakad lang siya kapag kasama ang PA (personal assistant) or isang nurse.’”kwento pa ni Fermin 

“Ibig sabihin ate Cristy mahinang-mahina?” tanong naman ni Morly.

“Mahinang-mahina, oo. Sa kanyang kuwento kung babasahin mo talaga punto por punto, hindi siya ganu’n kalakas pa. Hindi siya nakalalakad, kailangan niya ng hawakan, kailangan niya ng taong aalalay sa kanya makakaupo siya sa wheelchair,”kwento pa ni Fermin 

Si Kris Aquino ay tinaguriang Queen of All Media ng bansa dahil sa hindi niya matatawang galing pagdating sa hosting. 

Isa sa mga kilalang show noon ni Kris ay ang The Buzz, Kapamilya Deal or No Deal at marami pang iba.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post