Malaki ang pasasalamat ng actress na si Iza Calzado sa mga nag-rescue sa kanyang nang tumirik ang kanyang sasakyan sa Makati nang maubusan ng krudo nitong Huwebes ng gabi.
Ang mga taong agad na sumaklolo sa actress ay ang mga kawani ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT).
Sa facebook post ng IACT, ay sinabi nitong may isang sasakyan umano na biglang tumigil malapit sa Ayala busway station habang nagmamando ang kanilang mga tauhan sa trapiko.
"Inalam nila ang kundisyon ng drayber at napag-alamang papunta sana itong Dusit Thani Hotel nang maubusan ang sasakyan ng diesel kaya't pinagtulungan nila itong itabi sa daan," ayon sa Facebook post ng IACT.
"Kinausap nila ang drayber upang tulungan itong makabili ng diesel at nagmando ng trapiko papalayo sa sasakyan upang hindi ito tuluyang maging abala sa daan," dagdag nito.
Tila nastar-struck raw ang kanilang mga operatiba ng bumababa ng saksakyan si Iza.
"Star-struck man ang ating matitikas na operatiba, at your service pa din sila at patuloy sa kanilang trabaho. Mabilis naman nalagyan ng diesel ang sasakyan at tuluyang naialis ito sa daan," dagdag ng IACT.
Samantala nagpapasalamat rin si Iza sa mga IACT at tinawag niya itong "our heroes tonight" .
Read Also: Erik Santos nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng kanyang inaSi Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle o mas kilala bilang Iza Calzado, ay isang Pinay actress, television host, dancer at model. Siya ay kinilala bilang "Goddess of Horror Films"