Ivana Alawi agaw atensyon dahil kanyang suot niya gumala sa Baguio

 

Agaw atensyon ngayon sa social media ang actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil sa kanyang suot nang rumampa siya sa Baguio City.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi nito ang paggala nila sa Baguio kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Sa nasabing vlog ay napapayag si Ivana ng kanyang mga kaibigan na mag-bra ngunit may pants naman kahit na malamig ang nasabing lugar.

"Iniisip ko lang na nasa Boracay ako. Kasi ang mga kaibigan ko, iba mag-trip. Pinapa-remind ko lang sa kanila na pagabi nang pagabi, palamig na nang palamig."sabi ni Ivana 

"Pero happy naman ako, dahil first time ko itong ginawa! Mukhang first and last na ito, kasi ang boses ko, bumibigay na!" dagdag pa niya 

Hinamon din si Ivana na uminom ng malamig na tubig na puno ng ice o kumain ng ice ngunit hindi na siya pumayag.

May humamon rin kay Ivana na mag-ice bucket challenge ngunit umayaw narin ang actress.

“Grabe sila mag-isip, di ba? Nakakaloka! Sabaw na ang mga kasama ko!” sabi pa ni Ivana.

Panoorin dito ang kanilang video:

 Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isang  Filipina-Moroccan actress, model, at YouTuber. Huling napapanood si Ivana sa Philippine Television sa ABSCBN hit series na "A Family Affair". 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form