Hustisya ang sigaw ng dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus kasunod ng paglipat ng actor sa Taguig City Jail.

Maalala na nitong November 21, inilipat si Vhong mula sa NBI Detention Center papuntang Taguig City Jail.

"HUSTISYA!!!! ASAN KA?!" tweet ng dating asawa ni Vhong kasunod ng paglipat ng actor sa Taguig 

Wala naman ibang idenatalye si Bianca kung para saan ang kanyang tweet ngunit sa aming pananaw ay para ito kay Vhong.

Matatandaan na nanindigan si Bianca para kay Vhong.

"Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won't be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan. ????" sabi niya sa kanyang tweet noong August 2 


Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post