Nagbigay ng kanyang prangkang reaksyon ang beteranang columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa mga viral na larawan ni Vhong Navarro na ibinahagi ng NBI. 

Inilipat na kasi ang actor sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.

Ayon kay Fermin sa mga larawan ni Vhong, pumayat raw ang actor.

"Napakapayat. Pumayat at saka ano talaga, nakakalungkot. Hindi naman siya siguro maaaring masaktan doon (Taguig City jail) dahil ayon nga sa mga nakausap naman ng kanyang mga abogado ay mahigpit doon lalo na ang warden, mahigpit talaga.” sabi ni Vhong 

“Kaya nga lang po sabi nga namin, kahit sa ano man pong paraan, ang pagkakulong ay pagkakulong,” dagdag pa niya  

Nananwagan naman si Fermin sa mga tagasuporta ng actor na manalangin na sanay makapag-piyansa na ang actor.

"Ipinalangin na lang natin na sana'y mabigyan na siya ng piyansa. Baka ang kasunod na nito ay ang pagbibigay ng piyansa sa kanya dahil nandoon na siya sa pinag-ugatan ng kaso,” sabi ni Fermin 

 Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post