Napareact ang actress na si Anne Curtis sa isang netizen na nagbirong gusto raw niyang bilhin ang anak niyang si Dahlia.

Sa isang twitter post, ibinahagi ng isang netizen ang video ng napakacute na anak ni Anne.

Sa nasabing video ay sinabi nito "edi wow" sabay tawa at ang salitang "hay naku" na talaga namang madadala ka sa kakyutan ni Dahlia.

Kaya tinanong ng netizen si Anne kung may ganito ba raw sa Lazada para makapag-order siya.

"Napaka-cute!!!  May nabibili bang ganito sa @LazadaPH? Send link po @annecurtissmith para ma-check out ko sa 11.11 EMZ!" sabi ng netizen 

Peru ayon kay Anne "That’s my girl Limited Edition and not for sale! Hahahahahaha " 

Panoorin dito ang cute na video:

Si Anne Curtis ay kilalang tv host, actress at model dito sa Pilipinas. 

Isa sa mga tumatak na serye ni Anne Curtis sa manonood ay ang seryeng Diyosa.

Samantala kasalukuyan namang ngayon main host si Anne Curtis sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post