Nagbigay ng panibagong update si Andrew Schimmer sa kalagayan ng kanyang asawa. 

Maganda ang balita na inilahad ni Andrew sa publiko kaugnay sa lagay ng kanyang asawa ngayon.

"As you can see here on her latest vid, she’s getting better each day. Wala na po yung kanyang pamamanas, bumababalik na rin po dahan dahan ung kanyang self breathing..almost clear nadin po ang kanyang kidneys," ani Andrew sa Facebook post.

Nagpapasalamat din sa Andrew para sa patuloy na nagdarasal para sa kanyang asawa.

"Isa isa pong pinakikinggan ng Panginoon ang ating mga puso. Kaya ngaun palang po nagpapasalamat po ako sa lahat po ng mga taong nanalangin at patuloy na pinagdarasal ang aking asawa, maraming salamat po," sabi niya.

Pero, dagdag ni Andrew: "Hindi pa po tapos ang laban nya, thou maganda po ang nangyayare na recovery nya, she is still in the ICU, kaya sana wag po kayong mapagod samahan po akong ipagdasal pa po sha."

"Nakikinig po ang Langit satin pong mga panalangin. Kaya mga kapatid ipagpatuloy po nating ipagdasal ang mga mahal natin sa buhay, wag po natin silang sukuan, sabayan at samahan po natin silang lumaban…and together with GOD, WE WILL WiN…AMEN," aniya pa.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post