Viral ngayon sa social media ang video ni Sharon Cuneta na kung saan hindi siya pinapasok sa Hermes store sa Korea.

Sa kanyang latest vlog na may title na "MEGA Travels - Seoul Part 3" ay ibinahagi ni Sharon ang pag-ikot nila kasama nag kanyang pamilya sa Seoul Korea.

Sa nasabing video ay makikita na tila hinarang si Sharon ng isang doorman na kung saan gusto sana pumasok ni Sharon sa Hermes Store.

"Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw ako papasukin," reklamo ni Sharon habang natatawa ito 

Imbis na magalit, ay lumipat nalang siya sa tindahan ng Louis Vuitton at doon nalang mamili.

Sa nasabing tindahan ay nakatanggap siya ng warm welcome at binigyan pa siya ng flowers at champagne ng staff . 

Habang bitbit ng mga kasamahan at ng LV store assistant ang mga napamili, dumaan si Sharon sa Hermes at kinawayan ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya.


@solidsharonian queen thingz 💅 #sharoncuneta #korea #hermes #louisvuitton #megastar #philippines #fyp #travel ♬ Kings & Queens - Ava Max

Narito ang buong vlog ni Sharon:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post