Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog ang sinabi ng kanyang source kaugnay sa mga singer na sina Moira dela Torre at Zach Tabudlo.

Ayon sa source ni Ogie, nagkaroon diumano ng relasyon suna Moira at Zach noon.

"Ito na nga, nakakaloka. Hindi, nakarating lang naman sa akin itong chika. Ang chika na, gaano katotoo, ayan ha. Hindi para tayo ang sumagot dito o mag-confirm, I'm sure maraming nanonood sa atin dito na pwede silang magsalita or kung alam nila yung istorya. Gaano katotoo na itong si Moira at si Zack Tabudlo ay nagkaroon talaga ng relasyon" sabi ni Ogie 

"Ito na nga yung huli, meron akong nakausap na sabi niya, 'Mama, truth.' Truth daw yun Zack Tabudlo at Moira, na nagkaroon ng ano, ng pingkian, na nagkaroon sila ng relasyon," dagdag pa ni Ogie 

Matapos marining ng kasamahan ni Ogie na si Ina ang ibinunyag ng komedyante ay napatanong ito kung ano ang proyeba na may naging magkarelasyon noon si Moira at Zach.

Sagot ni Ogie: "Eh ayun nga, sabi sa akin ng aking source, eh nitong mga huling araw eh ayaw magtrabaho ni Zack. Lately. So inalam ng aking source ang dahilan, yun pala, ay parang split na sila raw nitong si Moira," 

May mensahe din si Ogie kina Moira at Zach: "Kung nanonood si Moira at si Zack, pwedeng pakilinaw nila yan. Basta yan lang ang aking nakalap na impormasyon sa aking source." 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post