Sobrang thankful ang komedyanteng si Smokey Manoloto matapos siyang mabiyayaan ng anak sa edad 51.

Sa post ni Smokey sa kanyang instagram, ay itinuring niyang Christmas Gift mula sa Panginoon ang pagkakaroon niya ng anak.

"Smo-Kiko” . Lord… maraming salamat po sa Christmas Gift na binigay niyo po sa akin nung August 4." sabi ni Smokey sa kanyang post 

Samantala agaw pansin naman ang kapogian ng anak ni Smokey. Maraming netizens ang nagbigay komento sa kanyang post. Maging ang kanyang mga kaibigan ay nagbigay rin ng reaksyon. Ayon kay Smokey mana raw ang kapogian ng kanyang baby sa ina nito.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ng anak niya sa kanya lalo na sa singkit nitong mga mata. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post