Nagbigay ng update ang komedyanteng si Ogie Diaz sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Sa kanyang showbiz update vlog, ibinunyag ni Ogie na nadagdagan na raw ang timbang ni Kris.

Nasa 90 pounds na raw ito ngayon.

"Tumataas. Parang dati kasi naalala natin ‘di ba, nung sinabi ng ate niya na she’s not even 90 pounds. Eh ngayon, 90 pounds na siya. Wow!” ang naging reaksyon ng co-host ni Ogie sa kanyang vlog 

Ayon kay Ogie napaka-effective raw ang pagdarasal kaya inanyayahan niya ang publiko na patuloy parin sa pagdarasal para kay Kris.

"Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers. So continue praying for Kris’ recovery,”  

Maalala na ibinunyag ni Kris sa kanyang social media post kamakailan lang na mayroon siyang limang autoimmune conditions.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
God bless you sister kris I hope you will be able to come home
Previous Post Next Post