Tila nagpahiwatig ang reel and real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi muna sila magkatrabaho bilang love-team.

Sa isang interview ng pikapika inilahad nila na gagawa raw sila ng projects ng hindi magkasama ang isat-isa.

Gusto raw kasi nila ng gaganap ng ibang roles.

"In the next five years, ano na ako nu’n, 31 years old na ako nu’n. That’s still young but then, we have different priorities. Five years from now, ten years from now…iba-iba."sabi ni Kathryn 

"Of course, we want so many roles pa. Pero grabe ang bilis ng nangyayari…lahat. The love team KathNiel will always, always be there naman talaga." dagdag pa niya 

Matatandaan na kamakailan lang ay nagkaroon ng isyu na umanoy hiwalay na ang dalawa dahil sa kumakalat na video nila sa pagsagot kung ano ang loyalty.

Ngunit sa post ng ABSCBN News reporter na si MJ Felipe ay ibinahagi nito ma masayang nagbabakasyon ang dalawa. Kaya malinaw na walang katotohanan ang nasabing isyu.

Photo Credits: MJ Felipe on Facebook 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post