Ibinunyag ng actor na si Gerald Anderson na handa na siyang magsettle down soon at handa na raw niyang tahakin ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

Sinabi ito ng actor nang tanungin siya kung nasa isip na raw ba nito ang pagpapakasal.

"Anytime soon, oo naman. Ako mismo, siyempre ready ako.Gusto ko ‘pag nag-settle down ako, wala na akong ibang iisipin — ‘yung future ng mga anak ko secured na, ‘yung future ng asawa ko secured na. Malapit na tayo do’n.” sabi ng actor sa interview ng Star Magic 

Ibinida rin niya ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto na tinatawag niyang "love of his life" .

"Yung pagiging supportive niya sa akin ay kakaiba and I think ‘yun ‘yung key factor kung bakit ang dami naming nalagpasan. Sobrang tibay namin dahil din sa kanya,"sabi ng actor 

"Kung ano ‘yung sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung mahihigitan pa namin dahil napakaganda ng sitwasyon naming dalawa ngayon," dagdag pa niya 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post