Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Nacionalista Party ang actor at Quezon City District 1 Congressman na si Arjo Atayde.

Ito ang inanunsyo ni Arjo sa kanyang facebook post.

Inihayag ni Quezon City District 1 Congressman na si Arjo Atayde na siya ay pormal nang nanumpa bilang bagong kasapi ng Nacionalista Party.

"Ang inyo pong lingkod ay pormal na pong nanumpa bilang bagong kasapi ng Nacionalista Party. Naging saksi sa panunumpang ito ang aking mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde. Ako po ay nanumpa sa aking kapwa mambabatas, kaibigan at kasamahan sa Kongreso na sya ring House Deputy Majority Leader na si Congressman Alexander "Sandro" Marcos," saad nito.

"Ang ating pong pakikianib sa samahan ng Nacionalista ay bahagi din po ng ating pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kasalukuyang pamahalaan  upang mas mapalawig pa natin ang mga posibleng proyekto at programa na maaaring mapakinabangan ng ating mga mamamayan sa Unang Distrito ng Lungsod Quezon," dagdag pa nito.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post