Isinugod sa ospital ang anak nina Sophie Albert at ng actor na si Vin Abrenica.

Sa kanilang latest vlog ay ibinahagi ng mag-asawa na naaksidente ang kanilang anak sa mall matapos itong bumangga sa dingding malapit sa pinto.

"Dumiretso kami sa ER because Avianna fell down, hit her shoulder on the wall sa may door. She was walking into the door, Vin was holding her hand so nagpapabigat siya, then sumubsob siya sa wall. Her shoulder hit the wall," aniya.

"We tried to console her, we tried to do everything pero she was really in pain. She didn't want anyone to touch her arm. We decided to have her checked na lang in the hospital," dagdag ni Sophie.

Ngunit pagdating sa ospital ay naging maayos na ang pakiramdam ng kanilang anak na parang walang nangyari.

Narito ang kanilang vlog:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post