Binasag narin sa wakas ng komedyanteng si Ogie Diaz ang kanyang katahimikan kaugnay sa nagsilabasang tsismis na umanoy nakalaya na si Vhong Navarro.

Sa kanyang youtube vlog, ay pinabulaan niya na nakalaya na si Vhong.

"Nga pala. Para pabulaananan din natin itong chika na ito, 'no? Kasi maraming nagko-comment sa ating comment section sa YouTube na bakit daw hindi pa natin alam na si Vhong Navarro ay nakalaya na,” sabi ni Ogie

“Yun nga ang sinasabi, na si Vhong ay nakalaya na at nakatakda nang bumalik sa ‘It's Showtime.’ Tapos, ang daming lumabas sa YouTube, 'yun ang kanilang mga title. Na nakalaya na si Vhong. Alam niyo, kahit hindi ako magtanong to verify, malalaman po natin 'yan kung 'yun ay lumabas sa Inquirer, sa ABS-CBN News, sa Manila Bulletin.” paliwanag pa ni Ogie 

Ayon pa kay Ogie, sana totoo nalang daw ang fakenews na ito: “Diyos ko, sana nga lang, diba? Sana nga totoo na 'yung balita ninyo na si Vhong ay nakalaya na.”  

Panoorin dito ang video sa tatak na 10:26 na kung saan tinalakay ni Ogie ang nasabing isyu. 


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Sna nga makalaya na si Vhong 🙏 laban lang . .
Previous Post Next Post