Naghain na ng Motion for Reconsideration ang TV Host-Actor na si Vhong Navarro sa Court of Appeals kaugnay sa kaso na isinampa laban sa kay Vhong.

Ayon sa abogado ni Vhong inaksyunan na raw ng Court of Appeals ang motion sa pamamagitan ng resulosyon na kung saan pinapasagot si Denice Cornejo sa Motion for Reconsideration at pati narin sa impormsyon na pinapakasuhan si Vhong.

"Sa ilalalim ng rules of Criminal Procedure, ang paghain ng motion for Reconsideration ay nagpapatigil sa implementa ng disesyon o "stay of execution".

Ayon pa sa abogado ni Vhong, malinaw raw na maging sa pananaw ng Court of Apeals ay hindi pa pinal ang disesyon. Premature pa raw ito at hindi pa angkop ang paghain ng kaso laban kay Vhong.

At dahil sa nasabing motion ay itinigil ng Excecutive judge na si Antonio Olivete ang pagraffle ng kaso o pag-assigne ng judge na didinig nito.

Panoorin dito ang kabuuang report:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post