Isang matinding banat ang ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang online show na "Showbiz Now Na" tungkol sa actress na si Alex Gonzaga.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa umanoy ugali ni Alex kahit sa pagba-vlog nito.


"Ako sa, akin ah, sa panukat ko, wala pong garter ang dila. Dahil kung meron, dapat alam niya kung anong sasabihin niya sa tamang panahon. 'Yun ang akin, 'yung alam niya dapat kung kailan niya bibitiwan ang salita sa tamang tiempo" sabi ni Cristy 

"Sabi nga ng isang kaibigan ko, professional ito ah, 'Bakit ganu'n si Alex? Kahit sa vlog niya, kung itrato niya 'yung mga magulang niya, lalo na 'yung mommy niya, parang hindi niya nirerespeto.'”dagdag pa ni Cristy

“'Yung mga ituturo niya 'yung mommy niya saka daddy niya, kung ano-anong mga pintas ang sinasabi niya. 'Yung uncle niya, Uncle Jojo ba 'yon? Sobra siyang magsalita.’" sabi pa niya 

“Kahit naman si Konsehal Mikee, kung bara-barahin niya at kung ipakita niya sa publiko kung paano niya laruin.” dagdag pa nito 

Sabi pa niya: "Meron kasi tayong tinatawag na 'yung partisyon ng kagandahan asal sa hindi. Dapat alam niya 'yon. Alam niya na sa isang nirerespetong komunidad na tulad ng atin, 'wag kang lalampas do'n. Siguradong may masasabi ang tao.” 

Narito ang buong pagbubunyag ni Cristy laban kay Alex:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post