Inalala ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin ang pagiging marespeto umano ng actor at host na si Vhong Navarro.

Sa kanyang latest online show, ibinahagi ni Cristy kung paano niya na-witness personally ang pagiging marespeto ni Vhong.

"Diba nabanggit ko one time, nu'ng mag-show kami sa Canada, si Vhong Navarro ang pinakamatagal kong nakatabi sa tulugan sa eroplano. Mula po ito sa British Columbia hanggang Pilipinas, 12 oras po 'yun.”sabi ni Fermin

"At sa tagal po namin sa Canada, ito naman po ay sinasabi ko dahil totoo po ito na naranasan ko at nakita ko. Maging sa pagkuha po ni Vhong Navarro sa audience ng babae na kanyang pasasayahin sa pagkanta sa entablado, kitang-kita ko po kung papanong napakamarespeto po ni Vhong Navarro." dagdag pa nito 

Ibinahagi din ni Fermin kung paano tratohin ni Vhong ang isang babae na mula sa audience.

"At sinasabi niya, 'Pwede ko bang hawakan ang kamay mo? Pwede bang akbayan kita? May boyfriend ka ba na pwede kong pagpaalaman?'” sabi ni Fermin 

Ngunit nilinaw ni Fermin na hindi siya nangingi-alam sa kaso ngayon na kinahaharap ni Vhong.

"Du'n po sa mga simpleng bagay na ganu'n, ina-appreciate ko po 'yun. Pero hindi po ako nakikialam sa kaso nila ni Deniece Cornejo,” 


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
talaga namn pong mabait na tao at magalang c vhong navarro. kaya namn sobrang dami ang gustong tumulong sakanya at talagang hindi sya pababayaan ng nasa itaas.
Previous Post Next Post