Nagbigay na ng update ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro sa kalagayan ngayon ng actor sa detention center.

Sa isang panayam kay Tanya, sinabi nito na sobrang naging emosyonal raw ni Vhong sa nangyari sa kanya ngayon. 

"Sabi niya, ‘Hindi ko kayang maging komedyante ngayon.' Pinipilit niyang kumain. So, 'yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo. Kailangan ko siyang i-update in terms of 'yung mga ano sa case,”kwento ni Tanya 

"Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ 'Yung mga ganoon. 'Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat. Tapos ayun, umandar 'yung oras na kailangan ko na, nu'ng kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya," dagdag pa niya 

Ayon pa kay Tanya tila bumabalil raw ang trauma noon ni Vhong

"Sobrang emotional na niya. Dinig ko talagang humagulgol na siya. Kasi, 'yun na. First time 'yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman 'yung trauma niya" 

Source: Pep.ph

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
nakaka touch nman no.1 idol ko cya,nong nangyari yan noong una na nabugbog cya umiyak talaga ako,wala sa hitsura nya gagawa ng kalokohan,sana nman po maniwala kayo sa mga ipinanaliwanag nya,bakit nasa kulungan sya,Sya po ang biktima maniwala po kayo,Trust to god Idol Vhong ,Diyos ang magliligtas sayo,maniwala ka sa panginoon.
Previous Post Next Post