Kahit sikat na at medyo may kalakihan na ang kinikita ay mas pinili parin ni Seth Fedelin na manirahan sa kanilang lumang bahay kaysa manirahan sa condo.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Seth na mas gusto niya manirahan sa bahay nila sa Cavite kung saan siya lumaki.


Ayon kay Seth may sentimental value raw para sa kanya ang kanilang bahay.

"Home is family, happiness and everything. Lahat nandu’n. ‘Yung bahay namin, du’n ako pinanganak. ‘Yung kwarto ko ngayon, du’n ako pinanganak,” ani Seth. 

“As in ‘yung bahay na ‘yun napaka [special] sa akin. Wala pa ako, ‘yung bahay na ‘yun, bahay na,” 

Unti-unti niyang ipinaayos ang bahay. Aniya, maganda nga ang condo niya pero iba naman ang kalagayan ng tinitirahan ng mga magulang.

"Doon ko na-realize na ano 'to, hindi tama 'to. Doon ako natauhan nung pandemic na hindi ako papayag," paliwanag niya.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post