Hiwalay na nga ba?

Ito ngayon ang tanong ng ilang mga netizens dahil sa sagot ni Janella Salvador kaugnay sa tanong ni Regine Velasquez kung hiwalay na ba sila ng kanyang partner na si Markus Patterson.

Kamakailan kasi ay nag-guest si Janella sa Magandang buhay at naitanong doon kung sino sino raw magbabantay sa kanyang anak kung nasa taping siya.


"Meron siyang mga nag-aalaga sa kanya. 'Yung mga angels namin sa bahay. Pero, also naiiwan din siya sa tatay niya minsan 'pag nasa lock-in ako. Binabantayan din siya, bini-visit siya,” sabi ni Janella 

Dahil dito ay naitanong ni Regine kung sila paba ni Markus .

*Eto na nga, may tanong ang Ate mo. Kayo pa ba?"tanong ni Regine

“Basta Ate Reg, masaya kami individually,”sagot ni Janella 

“Our focus is Jude, he is the priority,” dagdag pa niya


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post