Sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH ay nakapanayawam nila si Atty. Vince Tanada ang tungkol sa pagkwestyon ng ilang netizens sa pelikula niyang "Katips", na humakot ng awards.

Isa sa napag-usapan nila ang tungkol kay Juliana Segovia na nagpost sa kanyang facebook na tila binatikos ang kanyang famas award. 

Ayon kay Tanada nakipag-usap na umano sila sa kanilang legal team para aksyunan ang pambabatikos ni Juliana.


“Sana naman po, huwag po tayo mamihasa na hindi totoo lagi ‘yung mga binabalita.

“Kasi, iyan na tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalong lalo na po ‘yung mga nagpapakalat, ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na ng aral ‘yung mga nagpapakalat na ‘yan.

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking…kasi alam n’yo naman po na ako ay abogado din at ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, ‘yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q & A na si Juliana ay totoong libelous ano? Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan. Kaya nag-uusap-usap ang kampo po namin kung ano ang mga susunod na hakbangin dahil hindi po siya tumitigil hanggang sa ngayon.

“Kaya pag-uusapan po namin ‘yan kasama ng aking mga partners dito sa aming law firm.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post