Nagbigay narin ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz kaugnay sa tsismis na umanoy buntis si Julia Montes.

Sa kanilang showbiz update vlog ay napag-usapan nila ang tungkol supresang pagbabalik ni "Mara" [Julia Montes] sa Ang Probinsyano.


"Eto ang pag-usapan natin, lumabas si Mara, si Julia Montes, sa ending. Nagtataka ko, 'Te, bakit walang mga close-up shot? "sabi ni Jegs 

"Puro close-up nga e." sabi naman ni Ogie 

"Hindi, ng Tiya Nena," sabi naman ni Jegs na kung saan tinutukoy nito ang tiyan ni Julia

 “'E diba may tsismis na buntis?" pagpatuloy pa ni Jegs

 "So, parang itinago 'yung tiyan part, ganu'n ba?" tanong naman ni Mama Loi

"Oo, 'Te. Diba tinago? Kasi may long shot, may wide shot, pero walang medium shot, diba?" sabi naman ni Jegs 

Kaya naman ay pinagsabihan ni Ogie ang dalawa na maghintay nalang raw na umanin sila.

"Alam mo, antayin natin kung totoo man 'yang haka-haka na buntis si Julia Montes. Hintayin nating sila ang umamin. So, kung sinabi nila na hindi buntis, edi hindi buntis. Nagmamadali ka ba? May nag-aabang bang taxi sa baba?" sabi ni Ogie 

Sambat naman ni Jegs "Hindi, kasi may napanood akong TikTok video na medyo malapit 'yung kuha. Medyo parang lumapad si Julia du'n sa video," 

 "Porke lumapad, buntis na, Jegs. Baka pwedeng napalakas lang ang kain.” prangkang sagot ni Ogie kay Jegs 


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
maigi kung buntis para dalawa na anak nla.paki mo kung buntis mahal namn cya ni coco..magpabuntis karin kung inggit ka
Previous Post Next Post