Ibinahagi ng batikang actor na si John Arcilla na pinagbantaan na ang kanyang buhay dahil sa pagganap niya bilang Hipolito sa Ang Probinsyano.

Isa kasi si John sa mga kinaiinasan sa Ang Probinsyano ng mga netizens dahil sa kanyang character sa nasabing serye.


Samantala ibinahagi ni John ang mensahe ng pagbabanta ng netizen sa kanyang post sa instagram.

Sabi ng netizen: "sarap mong pa****n h***p ka pag nkita kita sa labas aa ng pp****y sau" 

Ngunit depensa naman ni John ay serye lamang iyon at walang personalan.

"Dumadami nanaman fans ko at personal message pa  Pero nakaka bother din  Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba?? Peace po"



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post