Ibinahagi ni "Darna" star Jane de Leon ang hirap na pinagdaanan niya noon.

Sa showbiz vlog ni Ogie Diaz, ibinunyag ni Jane na dahil sa hirap ay naranasan na raw niyang asin ang kanilang inuulam.

"Yung hirap talaga namin, wala talaga kaming makain, asin lang po talaga kinakain namin," ani Jane kay Ogie Diaz.

"Asin? Bakit asin?" tanong ni Ogie

"Kasi walang-wala po talaga kaming pera," ani Jane.

Ibinahagi rin ni Jane na pumanaw raw ang kanyang ama na hindi man lang narasanan ang buhay na mayroon ngayon si Jane.

Panoorin dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post